36 likes
  • carlalooGrabe lang talaga. Yung naghapunan tayo sa steakhouse na parang butter yung steak sa sobrang sarap at lambot. Yung nagpanggap ka na busy ka kinabukasan. Yung chocolate at card na nakadisplay para una kong makikita pag gising ko. Yung sinorpresa mo ako nung umaga na wala kang pasok. Yung almusal na niluto mo. Yung mga bulaklak na dineliver sa bahay. Yung sabay tayong nagpamasahe. Yung late lunch sa paborito nating tambayan. Yung cake at ice cream na dessert kasi magkaiba tayo ng hilig. Yung kape, ahhhhh yung kape. Tapos yung kamang puro kumot. Grabe talaga. Hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti sayo. Ang sabi ko lang naman i-date mo ako kasi first time nating magkasama sa araw na to, kasi nung nakaraan, nasa Japan ka. Tapos lahat ng eto para saken? Ibang klase ka talaga magplano. Pero sa totoo lang, yung makasama ka maghapon na walang istorbo, walang istorbo kahit pa telepono, yun yung the best. At kung sakaling hindi halata ang sobrang kilig ko, kung sakaling hindi pansin na patay na patay ako sayo -- at para marinig mo ulit -- walang araw na hindi ako masaya sa piling mo. Mahal na mahal kita.
    #carlallan #pusuanmo #datedays #asawangmalupit

Log in to like or comment.